psych180

 

Psych180

Mga teknolohiya ng pagpapakilala at pagkilala/ang identidad sa yugtong digital o virtual

Nabubuhay tayo ngayon sa panahon ng akselerasyon at bilis. Ano pa ang saysay ng personal na interaksyon sa panahon ng digital at virtual? Paano pa nakikipaginteract at naguusap ang mag tao sa panahon na instantaneous na ang komunikasyon? Patay na ang radyo, telegrama at koreo. Wala nanag panganagialngan sa mga lumang teknolohiya liban sa ilang mag atrasadong mga lugar na hinid pa inaabot ng ganitong teknolohiya. Nakabatay pa rin kasi sila sa panahon ng paggiging atrasado at paggiging mabagal. Inunahn na ng teknolohikal na pagabanete ang mag lumang moda ng kom unikasyon. Pero ano ba ang mag batayan kung bakit mas ginagamit o nanaisin na mas gamitin ang ganitong moda ng komunikasyon. Mabilis kasi. Hidni mabagal, relatibo sa mga lumang moda ng komunikasyon at pakikipaginteract. Nang dahil sa pag-unald ng teknolohiya ng internet, na unanag ginawa tulad ng iba [pang teknolohiya ng bilsi upang malamangan ang iba sa ano mang larangan, partikualr ang pakikidigma o gera. Ang tanging masasabi sa ganitong teknolohiya ay cool, habang ang ibang kumakain ng alikabok ay hindi at paso na. Parang napanis nang pagkain na wal nang lalagyan kundi ang basurahan.

On-line/intro, ang unang-unang konsiderasyon sa ganitong moda ng komunikasyon ay ang pagtuityiwala sa mag hidni naman talagang kakilala. Anong kakilanlan o batayan ng identidad ang dal-dala ng tao kung nasa mundo siya ng virtual o virtual? Totoo ba ang mito na iniiwan ng tao ang kanyang pisikalidad kung gagamit ng ganitong klase ng teknolohiya, ang virtual o digital. Sa internet, walang pangalan ang mga tao liban sa kung ano ang pipiliin niya. Palagiang iniimbento nirereimbento ng tao ang kanyang identidad depnde kung ano ang mas magmumukhang atarktib sa kanyang kapwa. Nakadepnde ang identidad ng tao sa kung ano ang tingen niyang mas kanaisnais sa kanyang kapwa. At paano naman niya malalaman kung ano ba talaga? Depende din mismo sa kanyang panlasa at pagtaya. Pero kadalsan ang batayan ay nakdepende sa kung ano ang kanyang virtul/digital niyang modelo. Ang mag tao ay may kanya-kanyang modelo na labas sa kanyang pisikalidad. Siya nga pala, totoo ang mito iniiwan ng tao kanyang pisikalidad sa moda ng komunikasyong tinatwag na virula/digital. Para ano? Para magig mas maging kanaisnais sa iba. Anong modelo? Walang hanggang ang pusibilidad. Pero tingen ko ang ekonomiya nito ay naksalalay sa kung ano ang uso o mas patok. At kung ano ang uso o patok ay dinetermina ng merkado. Para itong produkto na kinakaialngan maibenta. Ang tao nma gumagamit ng ganitong kalse ng inetraksyon ay ginagawa ang sariling komoditi o produkto, kinakailangan niyang ibenta ang sarili niya. Para gawin ito kiankaialngan alam niya kung ano ang uso o trend. Depende ito kung ano ang sa tingen ng mga idolo ang uso at patok sa ngayon. Palaging present ang tense ng trend o uso. Pagka online, lahat ay gwapo at maganda. Kontrari sa paniniwala ng marami, wala nang kasarian ang teknolohiya. Hindi totoo ito, kasi kung totoo ito wala na sanang pananamnatala ta opresyon sa parte ng mga kabaaihan, kalalkihan at maging mga kabkalan at katibuan. Hindi binubura ng teknolohiya ang mga diprensya na ito, kundi lalo nito pianpaigting ang mag diperensya sa pamamaguitan ng pag-iilusyon na wala na nga talagang pagkakaiba. Hindi tayo mga andoird na nakaprograma na mkiapg-usap na lamang palgi sa moda ng komunikasyon an dgital/virtual. Kundi aabot palagi sa punto ng pagkikita o paga-eyeball. At makikita ng lahat, gano kalaking kalokohan ang teknolohiya sa kunwang pagbubura ng mag pusibleng diperenysa. Mas partikualr sa kaibahan ng aksarian. Ang binabago lamang ay ang mga metapora o ang mag representasyon. Pero pag nakita mo na kung ano ang nirerepresenta, malalman mo na hindi pala.

Blogging/problema, ano ngayon ang problema. Ang problema ganito: gano kapanipaniwal ang pagpapakilala at pagkilal sa moda ng komunikasyon na digital/virtual? Nagsisimula tayo sa assumption na hidni mo kilala ang magpapakilala sa iyo. Kung hidni mo kakilala ng personal, kinakailangan mo itong makialal o siya ang magpakilala sa iyo. Paano niya ito gagawi, ano pa e di sa pamamagitan ng paggamit ng moda ng komunikasyon na hindi direkta, may pagkadeceptive/mapagpanggap at hindi totoo. Ang ikalawang assumption ay produkto angs arili mo na kinakaialngan na maimbenta. Para ka maging mebenta o paano ka mabibili kianakilangan mong palamutian angs arili mo nang katakottakot na mag speacial na offer at pagpapaliwanag. Maging rasonable o hindi, kinakaialngan mong maibenta angs arili mo sa iba. At para maging epektibo ang pagbebenta kinakailangan mong bolahin ang binebentahan mo para mapaniwala mo siya. Paano masabi na kanaisnais ang pagpapakilala at pagkilala sa ganitong moda ng interaksyon? Sa ayaw mo sa gusto, mas malmang ams gusto mong mabenta ang sarili mo., kung hindi ano pa ang silbi ng pagbebenta kung hidni ka mabiili. Ang kwestyon dito ay kwestyon ng pagtitiwala, pagsisinungaling at paniniwala. Una muna ang usapin ng pagtitiwala, hindi madali maniwala sa taong hidni mo kakilala. Lalo na kung hindi kakilala, e kung yun ngang mag tao na inaakal mong kakilala mo pagka minsa ay nahihirapan ka pang pagkatiwalaan paano pa yung hindi mo kakila,a nanag personal. Ikalawang tanong ay may kinalaman sa pagsisinungaling. Kelan ba nagsisinungaling ang tao. ang mag salesman ba ay nagsisinungaling apra makabenta ng produkto. Ang mag diktor ba ay nagsisinunagling kungs asabihin nilang gagaling ka pag bumili ka ng gamot nila. Pano kung may tinatannong ka pero ayw niyang sagutin, nagsisisnungaling ba siya. Ang pagsisisnungaling ay may kinalaman siguro sa pagbali ng katotohanan. Halimbawa, kung sasabihin mong pula ay puti. Kung ipagpapalagay na alm mo na ang pula ay pula pero ang sabi mo ang pula ay puti. Nagsisinungaling ka. Pero kung hidni mo alam kung ano ang diperensya ng pula sa puti at magmukukhang nagkamali ka. Hindi ka nagsisinungaling. Mukhang amy kianlaman kung malay ka ba o hindi. Ang akto ng aogsisisnungaling ay may kianlaman kung malay ka o hindi. Pero ang pagattago ng katiotohanan sa pamamagitan ng hidni pagsasalita ay espesyal na kaso ng pagsisisnungaling. Saan nakadepdne ang paggiging kapanipaniwala ng pagpapakilala at pagkilala na ito? Nasa istura ba o ekspresyon ito o kung ano ang nilalamn ng sinasabi. Hindi naman palagi nakukuha nag pagtitiwala sa pamamagitan ng histura. Hidni din naman, maaaring sabihin na makukuha ito sa pamamagitan ng kung ano ba talaga ang sinsabi ng nagsasalita. Ano ang mga kategorya/batayan upang masabi na mas kapanipaniwala ang pagpapakilala at pagkilala? Sa madaling sabi, may dalwang batayan ng paano makukuha ang pagtitiwala: una, sa histura o sa pisikal na anyo o proma ng tao. ikalwa, ang kahulugan o kung ano ang katwal na sinsabi ng nagsasalita. Medyo problematiko ito kasi wal din naman talagang batayan ang nakikinig kung ginogoyo siya ng kausap o hindi. Pero ang dalawa ya masabing batayan kung paano makukuha ang pagtyitwala ng kausap.

Shall We Blog? Cena. 2006

Aims: seeks to find out how blogs or online journals are used by selected pratitioners and looks into how the blogging phenomenon started among journalists and how can it affect the practice of journalism in the country.

Methods: qualitative study. The uses and satisfaction theories of mass communication were utilized. 13 focused interviews. Based on multiple case study or profiling done. This study found out that blogs are considered to be an extension of the journalists work and complement their jobs there results also show that these bloggers believe that blogging does not challenge or pose a threat to the practice of journalism in the country. Yet,. They believe that it eventually will.

Conclusion: proved that blogs have become an alternative source of news and information as well as analysis, commentary and insight. Even to the traditional media. Likewise, blogs have become a venue for their self-disclosure.

She Blogs. Campilan. 2005.

Assumption 1: weblog or online journal has become more popular as a medium for internet communication being a “democratizing” medium, where every person us given the chance to be heard and is allowed a venue for instant publication.

Asumption2: cyberspace is a patriarchal entity

Aims: 1. To find out how gender power struggles are manifested in weblogs.

Problem: there’s a difference between male and female communication

Aspects to consider 1. Creation of identity 2. Customization of design 3. Expression of feelings.

Framework: critical look at weblog language, ideas, form and critique as areas of struggle between women and men. 1. Feminist theory 2. Cultural studies 3. Genderlect styles.

Samples: 52 weblogs (26 females, 26 males) 4 sites blogger,. Livejournal, tabulas, xanga

Methods: focus interviews: 6 female, 6 males

Findings: difference in communication style reflect traditional stereotyping women – still aims to establish rapport and maintain relationships, male – they are more reportorial and information-driven power struggle-language. Romantic myth is still propagated with cross sex relationships getting the most attention gender roles and stereotypes are still reinforced

dear (online). Javier. 2005 a descriptive-exploratory study of blogging as a phenomena. It seeks ti find out how blogs were generally used as new forms of computer based-mediated-communication method 1. Focused interview 2. Textual analysis 3. Participant observation 30 bloggers from 5 different blog servers 11. Blogspot/blogger, blogdrive, livejournal modblog, xanga. A blog registry and a social networking site with integrated blogging feature served as informants convenience sampling: results were grouped as those from the informants and data from the textual analysis. Results showed that the personalities of the bloggers were described through their self-descriptions which were usually found at the profile section of their blogs. self-descriptions – based in how they do. Exposure to blogs indicated by the time of introduction to blog, channel through which it was introduced, amount of time spent, the place of blogging, the frequency of updating. Knowledge of blogging was indicated by the informant’s knowledge of blog feature and blog’s similarities with other cmc tools different motivations led to usage of blogs 1. Personal 2. Influence of others

Txting/solusyon, lahat ng

Email/pusibilidad

Gaming/ilusyon

RRL/O SANLAKSANG MGA DESCRIPTIVE AT EXPLORATORY STUDIES TUNGKOL SA MGA BAGONG TEKNOLOHIYA NG KOMUNIKASYON SA PANAHON NG HISTERYA AT KALITUHAN 2000-2006

Medya

Catos, Ma. Socorro c. A case study of GMA Network News as a Different type of Television News Program. 2000 ab communication research

Cayari, Laurice Christine R. The News: Illusion under Surveillance? News Media credibility and Media Audience Opinion Formation Process. 2000. Ab communication research

Merino, Arnold Bernus. The Programming Scheme and Station Image of Studio 23: A Descriptive Study. 2000. Ab Broadcast Communciation

Cabrerom, Divine Joy S. The Reasons for Watching CNB Programs. 2001. Ab Broadcast Communciation.

Guevarra, Lalaine. Women in Media, Media on Women: A Study on the Portrayal of Women across Television, Radio and Pront Advertisements. 2001. Ab Communication Research

Guzman, Ritchie Anne S. Th ePower pf Convergence Network Anlysis and Impacct Assessment of ABS-CBN Bantay Kaliksan Program. 2001. AB Communciation Rsearch

Juania, Alina Maria Trinidad Camacho. The Effectiveness in Information Dissemination of the Broadcast Media Campaign of Banatya Bata 163 as means of Solving Child Abuse. 2001. AB Broadcast Communication

Langit, Raymond Gerard Dela Cruz. A Descriptive Study on the Programming of Netw25, the E-Channel. 2001. AB Broadcast Communciation

Burgaoisan De Dominic Almazan. The Frame of Television News: A Descriptive Study and Critcial Analysis of the News Production Press in the News Organizationof GMA 7. 2002. MA. Broadcast Communciation

Lavares, Melisa. Green TV: A Content Anlysis of Environmental Issues Presented on News and Current Affairs Programs of ABS-CBN, GMA and NBN.2002. AB Broad Communication

Labitad, Agnes Era Dela Cruz. F: A case Study of the TV Program and its Effects on Female Viewers. 2002.

Sancon, Venerada Mole. Reading TV News: A Comparative Textual Anlysis of the Political News Presentations on Seksi and TV Patrol. 2002. AB Boardcast Communication

Averion, Pamela Marie Yenko Godoy. A Feminist research: Stories of Empowerment and the Oprah Winfrey Show. 2003. MA Communciation

Coroza, Maria Rasolynd Venus B. Bulaga! Eat’s 24 years: An Exploratory Study n the Programing Strategies opf Eat Bulaga’s Survival fopr 24 years. 2003. Ab Broadcast Communciation.

Pepito, Debonaire E. Nerald. Text-ing Identities. 2003

 

Alternatib

Contreras, reiner J. The Piny Zine Scene! A qualitative Exploratory Study on Zines and it’s promotion of the Filipino Youth Culture. 2000. AB Communication Research

Gador, Oscar Ldesma. Content Anlysis of Alternative Music from 1990 to 1999. 2000

Jalbuena, Oscar Samuel Johnson. Publishing Opnline/. 2000/ AB Journalism

Abaca, Marie Kristine Esta. Challenging the Snail: The Consequences of Computer-Mediaed Communication Postal System. 2001. AB Communication Research

De Vera, Lenard. Tuned into the INMternet. A Descriptive Study of Webcasting in the Philippines. AB Broadcast Communication

Borlongan,. Mark. M. Internet Adoption and Non-adoption among the Filipino Elderly (ain’t too old for it) 2001. AB Communication Research

Rondina, Jonathan Librarios. On-line, on-scale: Ang Paketeng Mail-Order Bride Dominanteng Imagolohiya sa Texto at Diskurso ng pagkaFilipina sa World Wide Web.2001. MA Broadcast Communciation.

San Pascual, Maria Rosel S. Personal Selling in Pen-pal and E-pal phenomenon. 2001. AB Communication Rsearch

Padetrasnga, Pamela Damasco. A Case Study opn the Philippine Online Newspaper and how they Maximize the Multimedia Features of the Internet. 2002. AB Journalism

PE Benito, Jeffrey Henry. The Face of the New Media: A Comprative Content Analysis of Bulatlat.com and Philstar.com 2004. AB Journalism

Campila, Victorette Joy Z. She Blogs, He Blog, We Blog: Power Struggles between Women and Men in Patriarchal Cyberspace. 2005. AB Communciation Rseearch

Garcia, Helen Grace C. A Comparative Content Anlysis of Alternative and Mainstream Medua: How Bulatlat.com and INQ7. Net Covererd the 2004. Hacienda Lusita incident. 2005. AB Journalism

Javier, Hazel Anglea Bautista. Dear (Onlibne). Diary: A Qualitativbe Study on the Phenomenon of Blogging. AB Communication Research

Valenica, Maria Rocheelle Mactal. Freindster, Mania: The Communication Activities and Self-Presentation of the Filipino Youth involved in onlibe Social Netwroking. 2005. AB Communication Rseearch

Cena, Franco Emman Von M. Shall We Blog? Profiling Journalists in the Blogosphere. 2006 AB Journalism

Siringan, Patrica Grace Sapiroso. Zoe Broadcasting Networki as Commericla TV Station: A Case Study./ 2003. Ab Broadcast Communciation

Veloso, Socrro P. Online. Education Modes of Delivering Knowledge in the Digital Age, the Philippine Situation. 2003. Phd communciation

Ariete, joan Armas. The Aleternative Choice: the Status of Sleceted Alternative Media Pratitioners. 2004. AB Journalism

Bautista, Jasmione Galimba. A Acse Study on thePeople’s Television Netweork Inc: A Critical Look at its Status and its Implications, Repercussions and Effects. 2004. MA Communication Broadcasting

Belgica, Tina Benda. Telesebisyo Totoo?: isang Kritikal na pag-aaral ukol sa Epketong Komersyalisasyon sa Paghahatid ng Serbisyo-Publisko ng Programa Unang Hirit. 2004. AB Broadcast Communciation

Carillo, Alina. http:www.ethicsforsale.com Ab Boradcast Communciation

Corpus, May Annbimaries. DIY. 2004. AB Fil

Dacanat, Aileen Alberito. Wish ko lang or wish kulang? An analysis of the tv program wish ko lang in instilling hope or escapism. Ab broadcast communciation

psych155

 

psych155

A Hyper-Emotion Theory Of Psychological Illness

PN Johnson-Laird

Princeton University

Franceso Mancini

Associazione di Psicolologia Cognitiva

Amelia Gangemi

Associazione di Psicolologia

Cognitiva and University o Cagliari

Psychological Review

2006.Vol.113 No.4 p.822-841

A Hyper-Emotion Theory of Psychological Illness is presented. It postulates that these illnesses have an onset on which a cognitive evaluation initiates a sequence of unconscious transitions yielding a basic emotion. This emotion is appropriate for the situation but inappropriate in its intensity. Whenever it recurs, it leads individuals to focus on the precipitating situation and to characteristics patterns of inference that can bolster the illness. Individuals with a propensity to psychological illness accordingly reason better than more robust individuals, but only on topics relevant to their illness. The theory is assessed in the light of previous research, a small epidemiological study of patients. Ang teorya ay may dalawang pangunahing silbi sa buhay ng tao, para sa akin ang isang bagay ay kinakailangan magkaroon ng silbi kundi wala itong kwenta. Ang silbi ng teorya sa buhay ng tao, meron itong kakayahang makapagpaliwanag at pangalawa, may kapasidad itong makapagdetermina nang mga pangyayari na hindi pa nagaganap. Ang hyper-emotion theory ay isa sa maraming teorya na nagtatangkang magkaroon ng silbi sa buhay ng tao. Ang tanong, mayroon nga ba itong saysay o wala? Sa tingin ko, mayroon itong silbi para Makita at mapansin ang mga sintomas ng mga sakit pero wala itong sagot sa totoong problema. Wala itong kapasidad na magpagaling sa sakit, bagamat meron itong kakayahang makapagpaliwanag at kapasidad na makapagdetermina ng mangyayari pa lamang. Isa-isahin natin ang mga assumption; may pagpapalagay na may sakit. Kung may sakit, may pinagmulan at mayroon itong kaakibat na mga sintomas at mga kaakbay na mga epekto, sa indibidwal na mayroong sakit at sa kanyang kapwa, maging sa lipunang kanyang ginagalawan. Makitid ang kategorisasyon sa mga normal at walang sakit. Pero napakalawak ng saklaw ng paggiging abnormal at pagkakaroon ng sakit. Ang kasunod na pagpapalagay, may mga sintomas na hindi agad na nakikita at hindi litaw, nasa lugar ito ng mga kognitibong proseso at mga transisyong hindi konsyuys. Ibig sabihin, mayroon itong katambal na mga pagkilos at konsyuys o mas malay na mga sintomas. At nagkakaroon ng akmang pagtatambal ang emosyon sa sitwasyon. Ang mga indibidwal ay nagkakaroon ng iba-ibang mga emosyon depende sa kung ano ang sitwasyon kung saan nakasalang ang indibdiwal. Dito nagkakaroon ng hindi pagtutugma, at ito ang sakit at problema.

Assumptions: The Hyper-Emotion Theory

  1. the principle of unconscious transitions to basic emotions: individuals acquire a sequence of unconscious transitions from a bodily feeling or cognitive evaluation to a basic emotion that is appropriate to the situation but aberrant in its intensity. The onset of a psychological illness occurs with such transitions, but they continue to occur throughout the illness. Ibig sabihin mayroong tamang kumbinasyon ng pagkakasunod sa transisyon ng konsyuys sa mga payak na mga damdamin. Ang pagkakasunodsunod mula sa pakiramdam sa prosesong kognitibo ay tumutugma sa payak na damdamin o emosyon depende sa sitwasyon. Ngayon, ano ang problema? Ang di normal, ayon sa assumption ay ang labis o kakulangan sa lakas ng damdamin.

  2. The principle of no voluntary control: individuals cannot control their basic emotions, which depend on simple cognitive evaluations. Ang kasunod na pagpapalagay ay walang control ang mga indibidwal sa kanilang mga emosyon, na nakadepende sa mga kognitibong mga ebalwasyon at pagtataya. Nanganaghulugan itong wala sa indibidwal ang konsyuys na control sa kanyang mga damdamin na nakadepnde sa mga prosesong kognitibo na nagbabago nakasalalay sa sitwasyon. Bagamat kayang idetermina ng indibidwal siguro kung gusto niyang magkaroon ng spesipikong damdamin pero hindi rin ito direktang makakimpluwensya at makakapili ng emosyon.

  3. The ontological principle: psychological illnesses arise from transitions to basic emotions, which derive from the ontogeny of social mammals, and so, the taxonomy of psychological illnesses depends on their ontogeny. Ayon sa pagpapalagay na ito, nakadepende ang pagkakaroon ng mga sakit sa pag-iisip sa ontogeny ng mga tao at kung gayon, ang buong klasipikiasyon ng mga sakit sa utak ng tao ay nakasang-ayon sa ontogeny ng mga tao.

  4. The principle of vulnerability: individuals vary in vulnerability to psychological illnesses depending on innately determined conditions and on adverse environment. Ang mga indibidwal ay iba-iba. Ang mga ito ay maaaring magkaroon ng iba-ibang klase ng lakas o hina ng pusibilidad na magkaroon ng mga sakit sa pag-iisip. Titingnan ang laki o liit n prababilidad ng pagkakaroon ng sakit sa utak, hindi lamang sa mga namamanang mga rason o genetic ng mga sakit kundi maging ang impluwensya ng kapaligiran. Ang dalawang salik na ito ay maaaring makaimpluwensya sa taas o baba ng tyansa sa pagkakaroon ng indibidwal ng abnormalidad.

  5. The principle of inferential consequences: individuals focus on an aberrant basic emotion, they reason about it and its causes, and as a result, they become well practiced in reasoning about the topic, and their reasoning can maintain and generalize the illness. Malaki nag tendensiya ng mga indibidwal na tumututok sa hindi normal na emosyon na walang pinaghahawakan kundi ang sariling pagrarason. Maaari itong magspekuleyt at magkaroon ng sariling mga pagrarason tungkol sa mga pinanggalingan at pusibleng epekto nito. Ang resulta nito, sa katagalan ng pagkakaroon ng kung anu-anong rason habang namimintina, ay maaaring maging pangkalahatang pagtingen sa sariling sakit.

An Assessment of the Hyper-Emotion Theory

Study 1: An Epidemiological Survey – gaano ba-representative ang representative. Kung sinasabi ang mga eksperimento lamang ang may kapasidad na makapagtakda ng mga causal na mga relasyon sa paggitan ng mga variable. Hindi tulad halimbawa ng mga case study at mga co-relational na mga pag-aaral na hindi nakakapagdetermina ng mga epekto at dahilan. May punto, bagamat mataas ang internal na validity ng pagsasagwa ng mga kontroladong mga eksperimneto, mahina naman ito sa external na validity tulad ng case study at co-relational studies. Pero, anu’t ano pa man hindi sa lahat ng pagkakataon maasahan ang anu pa mang obserbasyon, manggaling man sa loob ng laboratoryo o hindi.

Study 2: the identification of patterns of reasoning – isa pang problema ng ganitong imbestigasyon ay ang mga kwestyon at mga katanungan sa operasyunalisasyon. Ano ang diperensya ng praktikal sa operasyunal na depinisyon at simpleng depinisyon lamang? Pusible bang masukat ang lahat? Objective ba talaga ang science sa pagtatalaga ng halaga at saysay ng mag bagay-bagay, hindi katulad ng klase ng science na tinatawag na hard, ang agham pantao o social sciences ay nasa pusisyon na ipagtanggol ang humanidades sa simpleng haka-hakang nakabase sa bungang tulog at guni-guni.

Study 3: Reasoning and a Tendency Toward Obsessive-Compulsive Disorder – ang problema kung mag-usap tayo para bagang pupwedeng ilapat lahat ng teoryang ito sa lahat ng pusibleng pagkakataon.

Study 4: The Reasoning of individuals with a tendency to depression

Date

Received May 10, 2005 ILANG BAGYO SA PILIPINAS, TUMAMA SA KABIKULAN AT

Noong unang bagyo, milenyo unang beses ko nakitang sirangsira ang up. Bumalik sa stone age ang lahat. Walang kuryente. Walang bukas na tindahan. Walang library. Walang pasok. Walang lakwatsa. Walang inom. Madilim ang up. Bumalik sa simula’t simula, sa paggiging up kadiliman. Ilang araw din yun, nabigyan uli ng pagpapahalaga ang apoy. Walang kasing halaga ang pagkakaroon ng kandila sa dorm. Parang kweba at mga nomad na tao ang mga taga-narra. Hindi daw makapag-aral; dahil kuryente. Hindi din makatambay sa jollibee o sa mcdo, wala din ilaw. Pero sa totoo lang, yun ang pinakamasarap na panahon. Malamig. Walang pasok, pero lahat ng panahon para mag-aarl ay nandoon. Sa araw magbasa, pagka gabi na tulog na rin ng maaga. Well rested ka nga dapat sa mga ganun panahon. Pero ang hindi maintindihan napakalaking dagok sa buhay ng tao ang kawalan ng kuryente nang dahil sa mga nagbuwal na mga poste at mga puno sa daan. Mga ikalawa, ikatlong araw ng bagyo. Humihina. Mayroon narin kuryente sa ibang lugar. Magandang tingnan ang labasan na may ilaw mula sa up. Parang napakalayo ng sibilisasyon. Malabong panaginip habang gising ang pagkakaroon ng kuryente. May panahon ka para mag-isip. Magtrip kung ano na ang nangyari sa ilang taon ng pananatili sa up. Ibang klase yung bagyo ng milenyo.

Revision Received April 17, 2006 TIMOG KATAGALUGAN AT TATAMA PA

Pero nung sumunod na bagyo, yung tumama sa bikol ang bagyong reming. Grabe. Me kurynete sa maynila, maging sa up. Pero sa amin, wala. Walang ilaw sa marinduque. Katatanggal ko lang trabaho. Nagkakamabutihan na rin kami ng aking kabiyak ng mga panahon na yun. Ok naman, walang bakas ng unos sa maynila. Dumating ang kaibigan kong kasamahan ko dati sa mga kalokohan at pagrerebolusyon. Hindi ko natanggap ang e-mail niya. Isang araw bago mag-buy nothing day, magpapakasal na pala sila ng long-time sweetheart niya. Sa lugar ng mga magulang mapapangasawa sila nagpakasal. Sabado ata siya dumating, linggo pinakilala ako sa mga kapatid at nanay ng kadugtong ng mga panaginip at bangungot ko. pagkagaling dun, diretso ako ng sarah’s para magselebreyt ng pagbabalik. Dun ko lang nalaman, ano pa ang ipinagdidiwang. Kasalan na pala, hindi ko alam. Kinalunesan, umabsent ako sa klase para samahan ang kaibigan, nasa japan ang nanay niya habang ang tatay ay nasa leyte, nagtatanim ng kamote., martes nang gawin ang mga ritwal sa pagiisangdibdib. Uninom kami hanggang alas kwatro ng madaling araw. Kinabuksan ng dapithapon, bumalik na rin kami sa maynila. Umalis din ang kaibigan nung hwebes, habang iniwan naman niya ang kanyang asawa. Nakaligtaan kong magtxt sa aking pulang asukal, kaya naman kahit labag sa loob ko kinumpronta ko siya at nakipaginuman. Dinala ko siya sa narra at ok na kami. Pero hindi ang mga nasalanta ng bagyo

Accepted May 23, 2006 SA PINAS SA SUSUNOD NA ELEKSYON

Nung bakasyon, dalwang linggo ako sa marinduque, ang lugar kung saan tumigas ang bulbol ko at natutong magisip para sa sarili. Blackout ang dinatnan ko. nabuhay ang mag transistor na radyo. Matagal maubos ang baterya, kahit hayaan mong bukas ilang linggo bago ito maubusan ng baterya. Wala akong ginawa kundi magbasa at magsulat. Kaya naman, masabi kong astig yung nakaraang bagyo. Ginupo niya ang probinsya namin. Hinawan niya ang bakuran namin na dati, aakalain mo welcome to the jungle palagi. Natumba ang karamihan sa mga puno na kinalakihan ko. ang malaki naming sampalok naubusan ng dahon.ang mag-asawang lansones namin humapay. Ang mga kakaw at atswete namin bumukadkad na sa lakas ng unos. Maging ang santol nakalbo. Ang pinakamalala, ang dambuhalang mangga namin nagupo din ng bagyo. Pagkaraan ng isang linggo, inasikaso na namin ang kuryente, kelangan palitan namin ang kuntador. Kung susunod sa proseso sa sususnod na taon na kami magkakakuryente. Nagshortcut kami, pinagana ng tatay ko ang mga kontak at kakilala niya. Napalitan naman agad. Ang problema, ang daan naman namin ay binabakbak na at pinapalitan ng bago.kung hindi maalikabok, maputik. Palaging madumi ang mga likuran at paanan namin, ang kawawa ay ang motorsiklo namin sa tuwing sasagupa sa lubluban ng kalabaw na dati kalsada namin. Nang magka-ilaw na, wala namang cable. Badtrip, pero hindi din naman talaga. Ang badtrip sa akin, yung aking pulang arnibal, bday niya wala ako. wala akong magawa. Nabagyuhan kami at ginagawa ang kalsada. Pero ang susunod na bagyo, tingen ko ang pinakamalakas, marami na naman aayusin na mga daan. Hahapay na puno at poste. Marami na naman ang ipagpapalit ang kinabukasan sa kakaunting halaga, malapit na ang susunod na eleksyon. Ang maganda lang may magpapagawa ng mga daan at babaha ng pera. Ang masama, pag natapos na ang unos. Baka matagalan pa bago magka-ilaw at maayos ang iiwan na gulo nito.

annotated sh**^

 

Banyagang libro, mahalagang pag-aralan din ang mga aklat na meron sa ibang bayan upang maunawaan ang diperensya at pagkakahalintulad ng lipunang pilipino sa ibang lipunan. Bagamat may malaking pagkakaiba ang eksena sa ibang bansa kung ikukumpara sa atin, hindi dapat isawalang-bahala ang kaalaman maaaring makuha sa pagbabasa ng panitikan sa ibang lugar bukod sa atin. Ang premise kasi nito, kung mayroon mga detalye na magkakaiba ang mga lipunan, tiyak na mayroon din mga tagpuan at talaban ang magkakaibang karanasan. Ang pagtatayang ito ay nagmumula sa pag-aakala na may esensyal na pagkakahawig ang mga gawi, kilos at maging mga katangian ng mga lipunan bagamat magkakaiba.

  1. society of the spectacle, isa sa dalwang pinakamahalagang ambag ng mga

situationists sa mundo ng palalang krisis ang lipunan, ang analisis nito ay nakasentro sa spektakulo. Ang buhay ng tao na dati ay totoo ay hindi na, ang buhay ng tao sa ngayon ay hindi na direkta kundi isa nang spektakulo. Ang spektakulo ay malabong repleksyon ng paraan ng pamumuhay at kamatayan ng tao sa kanyang lipunan. ang konteksto nito ay hindi hiwalay sa kabuang estado ng pamumuhay sa yugto ng abanteng kapitalismo, partikular sa pranysa. Ang problematisasyon ay kung bakit kinakailangan tanggapin na wala nang nanaisin pa ang tao pagkatapos ng yugtong ito. Ang pag-aakala na natatapos na sa yugto ng kapitalismo ang kasaysayan sapagkat lahat ay maaari nang bilhin sa mga supermarket o mga dambuhalang mga palengke. Sa deskripsyon ng spektakulo, ang buhay ng tao na nakabatay sa libog, tyansa at purong adbentyur ay napalitan ng kuntrolado, tapos na at deterministikong pamumuhay. Kaya ang panukala ng mga situationists ay gumawa ng katakot-takot na mga sitwasyon upang ireklama ang paggiging tao. gamitin mismo ang mga kasangkapan ng spektakulo bilang pangbigti mismo sa sarili nito.

  1. revolution of everyday life, kakambal ng soceity of the spectacle ang librong ito.

Bagamat nakasentro ang usapin nito sa ideya ng pinakamalupit na subjectibismo ng tao. Hindi na nangangailangan ng plano ang tao sa yugto na ito, wala nang pangangailangan sa estado. Ang estado ay patay na, bagamat palagiang nagababadya ito nang muling pagkabuhay kung kaya kinakailangan nang permanenteng pagrerebolusyon. Sa yugto kasi ng abanteng kapitalismo, wala nang gustong magrebolusyon. Lahat ay nasa tamang lugar, sa tamang panahon. Lahat ay maaring bilhin sa palengke. At ang pagananasang bumili ang nagpapaikot as mundo, hindi ang rebolusyon. Sa buhay na ‘to na punong-puno ng pagdedesisyon kung ano ang bibilhin. O ano ang mas pipiliin sa produkto a o produkto b. kinakailangan basagin ang ilusyon na ito at gumawa ng mga sitwasyon, ang tanging pamimilian ay rebolusyon o pagpapatiwakal. Ibig sa sabihin, hindi pagpapatiwakal ang rebolusyon. Kung iaabante pa ang assumption na ito, ang pagrerebolusyon ay hindi pagpapatiwakal. at ang natural na dulo nito, ang hindi pagrerebolusyon ay pagpapatiwakal.

  1. history and class consciousness, isa sa pinakamahalagang ambag ang makapal na

libro na ito sa kaisipang marxista. Inililinaw nito at isinakokonteksto ang mga ideya ni marx tungkol sa kasaysayan at kamalayang uri o class consciousness. Bagamat medyo nakakalula ang librong ito sa kapal, maraming mapupulot na paglilinaw dito tungkol sa pag-inog ng kasaysayan at paano ito dudulo sa lohikal na konklusyon ng pagrerebolusyon at pagkawala ng estado.

  1. das kapital, sa orihanal na plano, sampu dapat na tomo ang seryeng ito. Pero isa lang

talaga ang natapos at na-edit, ang dalwang sumunod ay burador na inayos na lamang pagkatapos mamatay ni marx. Pero ang tatlong tomo na ‘to ay sapat na upang magkaroon ng konkretong analisis sa pulitikal ekonomi. Walang pagsusuring marxist kung wala ang das kapital. Ang patunay sa kawastuhan ng rebolusyon ay nakasalalay sa konkretong analisis sa paggalaw ng ekonomiya hindi lang nakabatay sa batas ng suplay at demand. Ang mga mahahalagang konsepto ng marxismo at pulitikal ekonomi ay nandito. Ang mga teorya nng pagpapahalaga at petishismo ay inililinaw sa tatlong tomo na ito.

  1. one dimensional man, ito ang malagim na larawan ng modernong tao sa yugto ng

sobra-sobrang kapitalismo. Madilim ang ipinintang larawan sa analisi ng libro, ang epekto ng ideolohiya sa kamalayan ng tao sa yugto ng kapitalismong mayroon sa mga abanteng bansa. At wala nang pupuntahan ang pagkatiwalag na ito kundi ang pagsasagawa ng rebolusyon upang pakawalan ng tao sa sarili niya sa kapit ng ideolohiya at sistemang nagpapanatili nito. Magkasunod na pagbasag ito ng ideolohiya at reproduksyon nito ng sistemang nakasalalay sa mga komoditi at produkto. Wala nang ibang dimensyon ang tao sa yugtong ito ng kapitalismo kundi ang pamimili sa mga produkto at paggiging kampante. Hindi na natatakot ang tao sa rebolusyon, ni hindi na niya ito iniisip sa pag-aakala na wala nang pangangailangan dito. Ang dahilan nito ay ang materyal na komponent nito sa pagbaha ng katakot-takot na produkto habang ang sikolohikal na parte naman nito ay ang tinatawag na ideolohiya. Alyanasyon ang ibinibunga ng ideolohiya, pagkatiwalag ng tao sa pakikipagrelasyon ng totoo. Patay na ang relasyon ng tao sa tao, ang natitira ay relasyon ng mag komoditi sa komoditi.

  1. ecce homo, ang huling ambag na libro bago ang will to power. Sa mga pamagat pa

lamang ng mga tsapter. Why am I so wise, why do I write such good books, why I am destiny. Kung inembento na ng diyos ang lahat ng bagay sa mundo ano ang gagawin ng tao dito. Ang sagot ay ang paggawa ng mga bagong rebalwasyon ng lahat ng pagpapahalga. Kung may tatahakin bago ang tao, kinakailangan gumawa ng mag bagong mga pagpapahalaga ang tao. sa kaso ng libro, na tungkol sa mga naisulat na libro ng may-akda ang rebalwasyon ng lahat ng mga pagpapahalaga ay nangangahulugan ng pagsusulat ng sariling laro. Sa kabilang banda, kinakaialngan mahalin din ang sariling kapalaran at walang responsable dito kundi ang sarili din mismo. Umiikot lang ang mundo, ang diperensya ay paano gagawa ng paraan upang lampasan ito.

  1. a thousand plateaus, kabiyak na libro ng anti-oedipus ang malupit na hatol sa mundo

na pinapaikot ng kapitalismo at paggalaw ng mga produkto. Walang iniaanak na tao ang kapitalismo kundi mga schizoprenic, mga natatarantang subhuman na hindi alam kung ano ang pipiliing produkto. Ang alam lang nito ay kinakailangan bumili at komunsumo, kahit pa ang kapalit nito ang paggiging tao. ipinagpalit ng tao ang kanyang kapasidad na maging tao sa pagkakaroon ng mga bagay na hindi din naman talaga niya kinakailangan. Ang proyekto ng libro ay dalawa, una para mabigyan ng mapa paano babasahin ang kabaliwang idinudulot ng kapitalismo at ikalawa upang magpanukala ng nomadolodyi. Ang pag-uugat at pagsasanga ay dalwang gawain na sabay ginagawa, ang pagahahanap kung saan nagsisimula at pagtunton sa daan saan patutungo. Habang ginagawa ang pag-uugat at pagsasanga, kinakaialngan ang pagkilos at paggalaw. Mula sa mga matatarik na bundok hanggang sa pagpapatag nito sa dulo o pagtatalampas. Ang paggalaw ay nangangahulugan ng buhay, ang hidni paggalaw ay kamatayan. Ang tao ay gumagalaw at kinakailangan niyang gumalaw upang gumalaw para mabuhay.

  1. Empire, ang pag-aakala ang absulutong kalayaan sa pagkakaroon ng globalisadong

subdivision ay kabalintunaan. Imbes na maging kampante sa globalisasyon, kinakaialngan ay maligalig at mabahala sa papaliit na mundo. Ang assumption kasi ng globalisasyon na naksalalay sa tatlong prinsipyo ng palitan at kumpetisyon: 1. Ang privatization 2. Ang liberalization 3. Deregulation ay nangangahulugan ng pagpatay sa mga lokal na industriya, abortion ito ng mga hindi pa ipinanganganak na mga ekonomiya. Hindi pa nagsisismula ang mga bansang fetus na ito ay binubomba na ng sytotec ang mga ito sa ngalan ng globalisasyon. Walang subsidiya ang mga magsasaka at mangingisda. Walang incentive ang mga lokal na industriya. Walang excemption ang mag lokal na negosyante. Walang taripa, duty o tax ang mga banyagang multinational na nabubuhay sa mga lokal na ekonomiya.nag-iilusyon tayo kung sasabihin kayang sagutin ng globalisasyon ang kahirapan, mag-isip-isip muna tayo bago magsalita nang tapos. Ang proyekto ng counter empire ay isang pusibleng option.

  1. on belief, ano na ang paniniwala sa yugto ng virtual reality, internet at digital na

piracy? Ang mga lumang idolo at matatandang relihiyon ay unti-unti nang namamatay. Patay na ang diyos. Teknolohiya na ang namamayagpag. Maaari nang magclone, nadiskubre na ang sequence ng dna ng tao, pusible na ang walang hanggan na buhay sa pamamagitan ng pagpaparetoke, pag-inom ng mga pampabata at pagpapagamot sa ospital. habang hindi na nainiwala ang mga tao, hindi nila namamalayan na naggiging mga sekretong mananamantalaya sila sa diyos ng teknolohiya. Ang teknolohiya na ang may diskurso at kapangyarihan para sabihin kung sino ang mabubuhay at kung sino ang mamatay. Napatay na nga ang mga diyso na hindi na tinitigasan, nagkaroon ka naman ng makina na hindi nauubusan ng gasolina. Ang paniniwala sa teknolohiya.

  1. speed and politics, sa panahong lahat ay nagmamadali. Lahat ay gustong mauna.

Mauna sa pila, mauna sa pagpasa ng papel, mauna sa mapromote. Sa madaling sabi, maunang yumaman. Pero nangangahulgan din ito nang maunang mamatay. Habang pinapabilis mo ang buhay ng tao, lumalapit tayo sa integral na aksidente na global sa malawak na parte, habang sa partikular na bahagi ang sariling indibidwal na pagtatapos. Ang kamatayan ay idudulot ng aksidente. Mukhang lahat ng naiimbento ng tao ay tumitiwalag at nagsasarili, ang masama nito nanunuwag pa pagkatapos. Nanag maimbento ng tao ang gulong, bumilis ang pakikidigma. Nang maibento ng tao ang sasakyang pandagat, nagkaroon ng paglubog nito. Nang maimbento ng mga tao ang eroplano, lalong bumilis ang pagaptay sa tao. Nagkaroon ng plane crash. Nang maimbento ng tao ang internet at cellular technology, instant na ang lahat kahit ang kamatayan ay instant na rin. Parang instant na text sa iyo.

lokal na aklat, mula sa pagteteorya at paghahanap ng mga lente kung paano babasahin ang panitikan. Tutungo na tayo sa aktwal na pagbabasa ng panitikan na may kinalaman sa panitikan mismo at sa kauganyan ito sa lipunan na siyang konteksto ng panitikan. Sesentro lamang ako sa kontemporaryong o mas bagong panitikan bagamat hindi na rin naman nagbabago ang medium, sa esensya ay print pa rin o nasa papel at naksulat. Nakaayos sa mga genre ng nobela, tula at kwento. Ang mga makikitang detalye sa panitikang pinili ay hindi lamang kunektado sa lipunang siyang ginagalawan ng awtor kundi mismo ng mga tauhan sa kwento, tula at nobela. Hindi kasing halaga ng pag-uugat kaysa pagsasanga. Ang mga bunga ay wala sa mga ugat kundi nasa mga sanga, maging ang iba pang mga sanga, mga dahon at ang mismong mga bunga nito.

  1. sa loob at labas ng mall kong sawi, alusyon ito kay balagtas bagamat maraming

dekada ang paggitan ng dalawa, sa esensya hindi pa rin naman nagbabago ang mga kondisyon, konkreto at hindi, kundi digital na kung baga. Ang mga tatay ay napalitan na ng credit card. Ang mga nanay ay napalitan na ng cellphone. Ang mga yaya ay napalitan na ng playstation at pc. Ang mga kabarkada ay napalitan na ng mga ka-blog at ka-chat. Hindi mo na kinakailangan umalis pa sa mall para mabuhay. Lahat ng mga kailangan ay nasa loob na ng mall, ang mall ay iluyson. Hindi nangangahulugan ang paggiging konkreto ng mall ang paggiging konkreto din ng mga ilusyon nito. Sa huli, ang pilipino ang sawi.

  1. voice from the underground, bagamat maikli ang buhay ni maningning miclat ay

makulay naman ito. Kahit na misteryo ang ang buong katauhan nito, makikita sa libro kung gaano nabuhay ang may kada sa loob ng kulang-kulang sa tatlong dekada. Sinuma niya sa mga tula niyang nakasulat sa tatlong lenggwahe, ang karansan niya bilang pintor at makata. Bagamat may ilan siyang dibuho at ipininta sa libro, naging pintor siya ng karanasan at buhay niyang palagiang tumatawid sa kanyang nakaraan at palaging kasalukuyan.

  1. barriotic punk, totoo ang alamat. May gatas pa sa labi nang manalo ang batang trapo

sa cannes. Kasali siya sa pinakamalupit na grupong kwentista at nakapagprodyus ng ilang tomo ng antalohiya ng mga bagong kwento. Kada trabaho ng awtor ay hindi matatawaran. Huli niya ang kwento ng panahong niya, ang mga punk sa barrio. Kahit napakalayo ng inglatera sa kaso natin sa pilipinas, naikwento niya ang mga angas, galit, libog at pagsasayaw ng mga punk sa mga baryo-baryo sa pilipinas. Sumuot siya sa mga pasikot-sikot ng utak ng mga karakter niya sa kwento. Mahirap maging punk sa pilipinas, lalo na kung nasa gilid-gilid ka ng baryo. Lalong mahirap ang isulat sa kwento ang kanilang karanasan.

  1. kung paano ko inayos ang buhok ko pagkatapos ng mahaba-habang paglalakbay,

ang nobela ang tinutukoy ko dito. Nakailang palanca na din ang mokong na ito sa parehong pamagat pero iba-ibang istilo ng pagkukwento ng mas mahaba pa sa maikling kwento. Ito rin ang pamagat ng kanyang dula, istorya at maging ng kanyang nobela. Lahat ay premyado, pero mahirap lunukin ng mga kritiko. Absurdo, ito ang nobelang nasa present tense at nagpakita sa lahat na hindi palaging maganda ang magandang nobela. Hindi kinakailangan palaging maging tama, maging polite at may modo. Lalo na sa pagsusulat, mas lalu na sa isa sa pinakakonserbatibong bansang tulad ng pilipians. mahirap, magsulat nang tungkol sa titi, sa droga, sa adiksyon, sa withdrawal, sa pagtitrip sa ibang pang bagay na tinatawag na imoral ng lipunan. Pero ito ang totoo. Walang pag-aayos na nagaganap sa totoong buhay, ganun din dapat ang panitikan.

  1. Pamilya, ang mga istorya dito ay kwento ng pakikipagrelasyon. Relasyon sa mga

anak, relasyon sa ama maging sa ina. Sa mga magulang. Sa mga pinsan. Sa mga kaibigan. Sa kabiyak, sa syota. Sa lahat ng karakter na araw-araw mong nakakauntugan noo sa trip ng buhay. lahat sila ay kasama, ang mga taong mahalaga at malapit. Hindi mo maaring hindi magustohan ang mga taong ayaw mo, naging parte sila ng buhay mo sa mundo

  1. ang kagilagilalas na pakikipagsapalaran ni juan dela cruz, paranaso ng tula.

Sarkastiko at maangas, simple pero profound. Madali at mahirap basahin. Astig, magaling. Unang-una, koleksyon siya ng tula sa panahon ng batas militar. Seryoso ang akda pero nakangiti ang mga persona at maging ang may-akda, nakalabas pa siguro ang dila. Maangas, kahit na mukhang hindi seryotik, talaga naman seryoso pa rin. Sa totoo lang mabigat, ang hirap kumilos lalu na kung pinipigilan ka ng mga paskil. Simple lang ang mga salitang ginamit, ang iba ay dated pero madaling magtanong kung ano ang konteksto sa mga taong ka-kontemporari ng akda. Profound at nakaka-agit. Madaling basahin, dahil nga simple. Pero sa kabilang banda, mahirap din basahin lalu na nung panahon na naisulat ito.

  1. Armando, probematiko ang akda. Kasi naman, mahirap nang magsabi ng

katotohanan na bawal ang maging inosente pero bawal din ang maging mulat. Mas lalong bawal ang kumilos. Ano naman anag pusibleng sabihing katotohanan ng isang akdang piksyunal, palagiang takas ng may—akda, e fictionist lang naman daw ako. Siya nga naman, ano ba naman ang isang painting? Ang isang kanta. Ang isang akda. Para maging rebolusyon. Hindi nga magiging rebolusyon, pero maaaring pagsimulan. Hindi kilala si armando, ang kadreng madaming ginawa pero hindi alam ng maraming tao. hindi naman din talaga mga robot ang mga partidista at komunista, mga tao din sila. May pamilya, may anak. may paninidigan at paniniwala. Pero laha sila ay dumaan sa proseso ng paggiging tao, ang maging bata. Ang pagbibinata ang paggiging tineydyer, ang maging kalog. Hindi madaling maging fictionist, na ang trabaho ay maghanap ng mga detalye ng paggiging tao sa lipunang hindi makatao.

  1. mga tinig mula sa ibaba, paano ba magsulat ng kasaysayan. Sino ba ang nagsusulat

ng kasaysayan. Lahat ng kasaysayan noong una ay sinulat o pinasulat sa punto de bista ng mga elit at may kapangyarihan. Yung mga marunong magsulat at magbasa. Paano yung hindi at walang pakialam. Wala man silang nakasulat nas kasaysayan na papasa sa mga titser at nagtuturo ng tamang pagsulat ng kasaysayan. Maari namang basahain ang kung anong meron sila bilang mga piraso ng kasaysayan na pwedeng pag-aralan. Ang mga kanta ay maaaring pag-aralan bilang mga teksto at batis ng kasayayan. Ito ang sagot sa tanong paano magsulat ng kasaysayan ang mga nasa ibaba at walang boses. Wala silang boses at kasayayan pero meron silang mga awit at kanta na nagsasalaysay ng kanilang saysay.

  1. cracks on the parchment curtain, paano naman kaya papasok ang liwanag kung

hindi titibag at gagawa ng butas sa mga bakod ng edipisyo? Para pumasok ang hangin at liwanag kinakaialangan gumawa ng mga siwang. Ito ang ginawa ng akdang ito. Ang mga struktura na tinatawag na arkitektura ay mayroon mga butas, kung bintana o pintuan. Walang silbi ang arkitektural na struktura kung wala itong daan upang mapasok at makalabas. Ang akdang ito ay nagbibigay ng mga daan sa pasikot-sikot at buhol-buhol na mag detalye sa kasaysayan. Maging ang mga pamamaraan ng paglabas at pagpasok ay iba rin sa karaniwang historiograpiyang itinuturo sa eskwelahan, lalu na sa depto ng kasaysayan. Ang iba ay praktikal ang iba naman ay hindi katanggap-tanggap para sa ibang historyador. Ang pagbubukas ng mga pinto at binatana ay pagbubukas sa mga pusibilidad ng pagsususlat at maging sa pagbabasa ng kasaysayan.

  1. pasyon and revolution, kontrari sa pag-akala na walang naiambag ang paggiging

relihiyoso sa rebolusyon ito yun, kahit mukhang aksidente lamang. Malaki ang kaugnayan ng pasyon at rebolusyon. Bagamat maling sabihin na relihiyoso naman talaga ang mga pilipino, ang relihiyon sa pilipinas ay mas akmang sabihin ay halo-halong kalamay ng iba-ibang impluwensyang galing sa loob at labas ng pilipinas. Ang paggiging relihiyoso ng mga pilipino ay hindi sentral na usapin kundi ang pagbabasa ng pasyon at pagkakaroon ang affinity nito ng mga pilipino nang panahon bago pumutok ang himagsikang pilipino noong huling mga taon ng siglo labingsiyam na siglo.

alternatibong babasahin, malapit nang mapag-iwanan ng panahon ang print., kung kaya may mga nag-aabang na sa susunod na klase ng medya. Ang mga blog, email, text at chat. Sa bilis ng panahon ngayon, maiiwanan ka kung hindi ka maakakasabay sa bilis nito. Ang mga genre ng tula, dula, kwento at nobela ay unti-unti nang nagbabago. Pabilis na nanag pabilis tulad ng pagbabago ng medium nito. Habang nagpapatong-patong na ang mga ukay-ukay sa pilipinas, na sa bawat kanto ay meron na. At habang nalulugi na ang tower records sa mga pirata ng tower recto. Ang sagot sa bagong problema ay mga bagong solusyon. Ang mga zine at blog ay bagong medium. Mas luma ang zine sa dalawa at matagal tagal na rin kung tutuusin, ang mga zine ay tumutukoy sa mga maliliit na babasahing diy o do it yourself. Kadalasan ay pinapaseroks ito o pinaparolyo sa mimeo. Habang ang mga blog naman ay mga portal sa internet na maaaring pagpostehan ng mga akda.

  1. anti-zine, ang zine na ito inilalabas dalwang beses sa isang taon. Ang binabaksakan

nito dati ay ilang tambayan sa UP, sa sarabia optical sa may UP shopping center, sa tambayan ng UP Athiests Circle at sa Crowded House na sarado na ngayon. Meron din nito sa may conspiracy sa may visayas ave at sa comic headquarters sa katipunan, tapat ng ateneo na naglipat na sa bacolod. Meron din sa recto, radiation area nasa compund ng malaking sogo sa kahabaan ng recto. Nakarating na ang zine na ito kung saan saan, sa oceania, australia, us at japan.

  1. Nomad, maraming klaseng article ang matatagpuan sa zine na ito. Walang

depinidong diskurso o programa ang ineendorso sa zine na ito\. Halu-halo pa rin at chopsuey, meron pulitika, libog, panitikan, angas, rants, review ng pelikula, kwento, kultura, diy na mga recipe, mga articles na ni-rip-off kung saan, mga komentaryo, letrato, drawing, doodles, sulat kamay, typewritten, sabog-sbog na layout at de-seroks na sensibildad

  1. kuro2x/manila.indymedia.org, meron dito mga kuro-kuro na hindi matatagpuan sa

loob ng ekwelahan, dito tinutuloy ang mga debate sa mga forum. Marami ang nagpopost at nagbabsa ng mga balita dito na hindi lumalabas sa mga pangunahing mga pahayagan. May mga thread para sa debate, kritisismo, ebalwasyon at paninira. Walang sensorship, liban sa meron editorial kolektib na naglalagay sa feature page ang katapat ng headlines sa dyaryo. Pero lahat ay mababasa sa newswire kung saan pumapasok lahat ng pinopost.

  1. asukalmapula.blogsome.com, mga tula, rehashed na mga articles, pag-ibig at

rebolusyon

  1. astigsipedro.livejournal.com, mga papel sa klase at debate na hindi na kasama